Lumaktaw sa pangunahing content

TUNGKULIN NG ISANG PANGULO

Ang Tungkulin ng Isang Pangulo

Bukod sa konstitusyon, ang mga kapangyarihan ng Pangulo ng Pilipinas ay ispesipikong nakasaad sa Executive Order No. 292, s. 1987, na kilala rin bilang Administrative Code of 1987. Ang mga sumusunod na kapangyarihan ay:

1.) Kapangyarihang pamahalaan ang ehekutibong sangayAng Pangulo ay may atas na pamahalaan ang lahat ng ehekutibong kagawaran, kawanihan, at tanggapan. Kasali rito ang pagbabago ng estruktura at paghirang ng mga pinuno para sa mga nabanggit. Inaatasan din ng Administrative Code ang Pangulo na tiyaking mahigpit na ipinatutupad ng mga opisina ang kani-kanilang batas.

2.) Kapangyarihag gumawa ng mga ordinansaAng Pangulo ay may kapangyarihang maglabas ng mga lathalaing tagapagpaganap o executive issuances na kasangkapan sa upang maging mas epektibo ang mga patakaran at programa ng administrasyon. May anim na executive issuance na maaaring ilabas ng Pangulo. Ito ang mga sumusunod ayon sa pakahulugan ng Administrative Code of 1987:


Kautusang tagapagpaganap (executive order) — Isinusulong ng executive order ang mga kilos ng
Pangulo kung saan nagtatakda siya ng tuntunin, pangkalahatan man o permanente, kung paano ipatutupad ang mga kapangyarihang itinakda ng batas.
Kautusang pampangasiwaan (administrative order) — Upang matupad ng Pangulo ang tungkulin bilang punong administrador, isinusulong ng administrative order ang mga kilos ng Pangulo ukol sa mga partikular na aspekto ng gawaing pampamahalaan.
Proklamasyon (proclamations) — Ang mga kilos ng Pangulong nagsasaayos ng petsa o nagdedeklara ng kalagayang pampubliko, kung saan nakadepende ang pagpapatupad ng isang ispesipikong batas o regulasyon, ay isusulong sa mga proklamasyon na may bisa ng executive order.
Kautusang memorandum (memorandum orders) — Kakatawanin ng mga memorandum order ang mga kilos ng Pangulo hinggil sa mga usaping pang-administratibo, pangnakabababa, o pansamantala lamang, na ukol sa isang partikular na opisyal o tanggapan lamang.
Memorandum sirkular (memorandum circular) — Kakatawanin ng mga memorandum circular ang mga kilos ng Pangulo hinggil sa mga usaping may kinalaman sa panloob na administrasyon, na nais ipabatid ng Pangulo sa lahat o ilang mga kagawaran, ahensya, kawanihan, o tanggapan bilang impormasyon o kautusan.
Panlahatan o tanging atas (general or special orders) — Ilalabas bilang general o special order ang mga kilos at kautusan ng Pangulo bilang punong komandante ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas.

Mga Komento