Ang Tungkulin ng Isang Pangulo Bukod sa konstitusyon, ang mga kapangyarihan ng Pangulo ng Pilipinas ay ispesipikong nakasaad sa Executive Order No. 292, s. 1987, na kilala rin bilang Administrative Code of 1987. Ang mga sumusunod na kapangyarihan ay: 1.) Kapangyarihang pamahalaan ang ehekutibong sangayAng Pangulo ay may atas na pamahalaan ang lahat ng ehekutibong kagawaran, kawanihan, at tanggapan. Kasali rito ang pagbabago ng estruktura at paghirang ng mga pinuno para sa mga nabanggit. Inaatasan din ng Administrative Code ang Pangulo na tiyaking mahigpit na ipinatutupad ng mga opisina ang kani-kanilang batas. 2.) Kapangyarihag gumawa ng mga ordinansaAng Pangulo ay may kapangyarihang maglabas ng mga lathalaing tagapagpaganap o executive issuances na kasangkapan sa upang maging mas epektibo ang mga patakaran at programa ng administrasyon. May anim na executive issuance na maaaring ilabas ng Pangulo. Ito ang mga sumusunod ayon sa pakahulugan ng Administrative Code of 1987:...